Last week pa itong balita pero hindi ko pa nakikita sa board natin kaya share ko lang.
Si John Baylock na CEO ng blockchain-based investment firm 3lock ay launch ng kanyang sariling crypto na Ophir. Ang Ophir ay isang decentralized crypto currency na balak niyang gamitin bilang instrument pang reward sa bawat donation upang makatulong sa mga mahihirap na church sa bansa.
Ang mga donors ay maaring magbigay ng Donors can send USDT, USDC, ETH, SLP, HEX, or TEXAN at makakatanggap sila ng $OPHIR bilang regalo.
Napansin ko lang na walang BTC sa pagpipilian kaya naging curious ako dahil mukhang mahilig sa shitcoin at adik sa Axie ang nagisip ng pakulo na ito. Bakit pa kailangan gumawa ng sariling token na wala namang utility kung pwede naman magbigay nalang sila ng donation address. Maari pang gamitin ang token na ito ng mga scammer na kunwari ay investment. Walang kwenta din kasi yung token bilang gift dahil wala naman itong value since wala naman pagkukunan ng liquidity. Parang ginagawa lang nilang bait yung token nila para mag invest ang mga tao.
Agree ba kayo sa mga ganitong klaseng raket na gumagamit ng churches para makakuha ng investment/donation?
https://bitpinas.com/cryptocurrency/project-ophir-crypto/