Post
Topic
Board Pilipinas
Re: DOH Twitter na Hacked, Promoting Fake Crypto Airdrop
by
Suguha
on 25/04/2023, 15:23:11 UTC
Noon pa man laganap na 'yan, naalala ko nga noong nahacked yung YouTube account ng ABS-CBN News. Target talaga nila yung may maraming followers o subscribers para mas marami yung makakita. Kung tutuusin, kahit saang social media platforms, makikita 'yan. Ito yung dahilan kung bakit kailangan natin i-educate yung kapwa Filipino natin pagdating sa crypto related scam, lalo na't marami pa rin ang mabilis na napapaniwala sa mga bagay na pwede silang makakuha ng benepisyo. Ang masama lang, hindi nila inaalam yung mga posibleng kahinatnan. Isang magandang hakbang para maiwasan na may mabiktima nito ay kailangan sa kanila mismo manggaling o magsimula yung pag-raise ng awareness sa mga tao pagdating sa ganitong bagay.