Alam mo nakakalungkot man tanggapin pero meron talagang mga pinoy pagdating sa ganyang mga sistema ay mga mananamantala din dahil alam nila na madaming mga pinoy ang uto-uto at madaling mahype sa mga matatamis na salita at pakitaan lang ng madaming pera at sabihin na galing dun ang kinita ay madadala na agad or naoverwhelmed na agad sila.
Pagkatapos sa huli mananakaw lang ang pondo ng mga nagtiwala na walang kaalaman at kulang sa ideya dahil nagtiwala agad
sa ganitong sistema ng proyekto.
Hindi lang naman sa Cryptocurrency pati na rin sa MLM at iba pang investment mahilig talaga ang mga pinoy sa tubong lugaw kasi pinapakitaan sila ng mga ebidensya ay testimonya na puro mga peke naman, karamihan sa mga nadadale ng mga ganitong kalakaran ay mga OFW na after makaipon ng malaking halaga ay gusto ng mag retire kaya nag iinvest sa ganito, di rin kasi biro ang mag pabalik balik sa ibang bansa para tumodo kayod, pero sad to say wipe out ang pinaghirapan nila pag nahulog sila sa mga ganitong kalakaran.
Sa totoo lang iyong mga scammers sa MLM like iyong mga nagpapakulo ng Ponzi scheme at HYIP ay siya rin ang nagsipaglipatan at nagimplement ng pangiiscam sa mga tao. Nakita kasi nilang bata pa ang merkado ng cryptocurrency at iilan lang ang mga nakakaalam kay ayon sinamantala nila ang pagkakataon. Sa katunayan nga ang daming naming kakilala na nascam ng mga istratehiyang ito, lalong lalo na iyong mga taon may mga gintong minahan sa kanilang bakuran ( mga taga Benguet at Ifugao). During the time ng 2015 - 2016, medyo papasikat pa lang ang BTC dito sa Pinas, marami kaming naencounter na mga networker na nagpopromote ng mga crypto scam company, ang pang enganyo nila ay iyong daily to monthly profit. Then kapag hinahanapan namin ng license to operate ang sagot ay decentralized daw ang Bitcoin kaya walang lisensiya. Kalokohan nila eh kumpanya sila eh na ginagamit ang Bitcoin for investment scheme kaya need talaga nila ng license from BSP hindi lang sa SEC.