Ang dami nating mga kababayan na nalulugi sa pag invest sa Cryptocurrency karamihan kasi sa halip na Bitcoin ang ipromte sa mga baguhan inuuna yung mga altcoins na bagong labas, marami sa mga altcoins ngayun may referrral rewards lalo na yung mga airdrops kaya sa halip na Bitcoin muna huli na nila nalalaman yung value ng Bitcoin na mas higit sa mga altcoins na yan.
Typical kasi na ugali ng mga pinoy ay kumita agad ng mabilisan or quick rich scheme kahit na wala silang alam sa ginagawa nila. Tinitigan lang nila lagi syung price growth ng altcoin at iniisip na kaya nilang makasakay sa profit at hindi iniisip ang volatility bago maginvest kayo sila lagi ang nagiging exit liquidity ng mga naunang bumili or yung mga naginvite sa knila maginvest sa crypto.
Talamak sa mga facebook group ng mga crypto yung mga newbie na nagtatanong kung anong altcoin ang magandang investment tapos mga shitcoin ang irerecommend ng karamihan dahil may investment sila dun para mag pump ang price. Sobrang kawawa talaga sa atin ang mga pinoy na walang alam dahil madalas silang gatasan ng kapwa nila pinoy.
Isang halimbawa dito ay ang Axie. Madaming walang alam na narecruit lng na bimili ng team worth 100K pesos tapos biglang lagapak ng Axie bago pa sila makabawi kaya ang ending ay pera nila yung ginamit ng mga nagrecruit sa knila para makapag cash out sa mataas na price tapos wala na silang pake sa recruit nila. Dapat talaga ay solid Bitcoin investment lang lahat tayo tapos invest lng sa altcoin kapag malaki na ang holdings natin sa Bitcoin.