Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Ano ang mangyayari kapag ang iyong pagkakakilanlan ay ninakaw -- totoong kwento
by
bhadz
on 05/05/2023, 18:17:41 UTC
Hindi na bago na yung mga ninakaw na identities ay binebenta sa dark market/web at sobrang daming ganyan pero yung iba naman doon ay fake lang. Pero isa yan sa katotohanan na hinding hindi natin maiiwasan at hindi lang sa mga exchanges galing ang mga info na yan, pati sa mga websites na kung saan tayo nagfi-fill up ng mga forms natin.

Napaka halaga talaga ang pag iingat lalo na sa personal info natin ngayon huwag basta basta mag titiwala sa mga taong ma gagaling makipag usap at hihikatayin kang mag sign sa kanilang bibigay na link o ano pa man para lang makuha ang personal info. Ngayon ang dami ng nagkalat na online pautang na kailangan ang identity. Maaring isa rin ang mga ito ay kukuha lang ng mahalagang impormasyon para sa mga personal. Maingat ang lahat.
Kapag may mga unsolicited links, huwag na huwag iclick yung mga yun lalo na't hindi pamilyar kasi madaming puwedeng mangyari kapag hindi ka aware sa mga yun. Ganito madalas nabibiktima karamihan sa mga kababayan natin.