Base sa napansin ko nung lumakas ang sugal sa online dun lumakas ang hacking ng gcash. Hindi niyo ba napapansin andaming nagsisulputang mga sugal online at ineendorse halos ng mga sikat na vlogger. Hindi naman natin sila masisi sa laki ba naman ng perang pumapasok. Pero tingin ko dahil dun since once na nagcash in ka dun masasave yung huling transaction mo. Next na cash in mo dimo na need ng otp. At mapapansin niyo ba na iba yung website ng payments ng gcash nila? Kaya kung nagcashin kayo sa mga ito siguraduhin niyong babaguhin niyo na yung MPIN niyo dahil kaya nila itong maaccess once na naging scam na sila. Mas maganda kung wag niyo nang lagyan ng pera para mas safe.