Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Gcash Down? Unauthorized Transactions
by
bettercrypto
on 09/05/2023, 13:38:10 UTC
Marami na sigurong aware dito, sobrang daming unauthorized transaction ngayon sa Gcash, madalas ng nakikita ko na post ay papunta sa EastWest bank account, may ilang cases din na senend sa AUB.
Sobrang daming mga content creator ang nakikita ko na nagppopost kung saan nalimas ang pera nila sa gcash, malaking problema ito sa gcash lalo na kakapasok lang ng Gcrypto if hindi mababalik itong pera na nakuha baka maraming tao na ang umiwas gumamit ng Gcash.

Possible inside job siguro or napasok talaga ang system nila ng hacker.



Kailan ba ito ngyari? kahapon ba? o kanina lang? kasi kung kahapon na nagkaroon ng maintenance hindi ko alam dahil hindi naman ako nagbukas ng gcash yesterday. Kung kanina naman ay masasabi ko na parang hindi naman lahat dahil nakapagcash-out pa ako kanina. Saka kung ngyari man yan ay nagbigay naman ng paalala si gcash.

        Saka kada maintenance naman ni gcash mga ilang oras naman talaga bago magresume ulit. Ibig sabihin kapag ganun may inaayos sa systema, minsan kasi ang problema nasa user din may mga iba na masyadong mainipin lalo na kung kailangan na kailangan siguro nila ng pera at para makapagcash-out gcash ang paraan lang nila pero natapat naman sa maintenance, kaya dahil sa pagiging mainipin ay kung anu-ano na ang iniisip na parang ikasisira ng gcash. So I don't think na inside job yan dahil kung ganun man edi sana noon pa nila ginawa yan. Kaya sa sistema lang ng aplikasyon nila yan for sure.