Kung titignan natin sa kasalukuyang nangyayari ngayon, mukhang hindi nagiging maganda ang adoptation ng Bitcoin sa ngayon dahil sa napakataas ng fees na kinukuha sa bawat transaction dito, isipin mo nalang walang 50$ ang gagawin mong transaction ay nasa 16$ na agad ang ibabawas sa amount na ilalabas mo.
Papaano iaadopt ito ng mga baguhan sa community ng bitcoin kung malalaman at makikita nila na ganito pala ang fees kapag gagawa ng transaction sa Bitcoin. Pangalawa yung mga merchants na ginagamit ang Bitcoin bilang payment sa kanilang mga negosyo ay for sure ihihinto muna nila ang Bitcoin payment dahil maapektuhan din ang kanilang mga negosyo dahil sa mahal ng fees nito. Kung kaya sa ngyayari ganito ito ay isang karagdagang hamon para sa lahat ng naniniwala sa bitcoin. Na kung magpapatuloy ito, baka maghanap na ng ibang alternatibong blockchain ang ibang mga bitcoin holders.
yan nga din ang napansin ko sa bawat transactions na ginagawa ko. ang problema nga lang ay dahil kadalasan sa mga kapwa pinoy natin ay gusto ng libre pero dapat may benepisyo, isipin nyo, andami na ngang nagrereklamo sa Gcash nung lagyan nila ng transaction fee yung bawat load ginagawa mo. sa larangan naman ng internasyonal na adapsyon ng bitcoin, sa ngayon kasi pinakamalaking kinakatakutan ng tao ay yung accessibility pati narin yung volatility, kasi hindi naman lahat may malayang access ng internet at katulad ng ating bansa na napakamahal ng internet access, sa iba ay close to none ang source nila sa internet, idagdag pa ang pangamba ng volatility na anytime pwede mag spike ang presyo tapos na wrong timing kapa gumawa ng transaction, naku ayun na problema na naman.