Network congestion. Marami kasing transactions at ang isang block ay meron lamang 1 mb+ ang size bago ito ma-confirm ng miner. Kahit e check pa sa mempool, halos lahat ng block ay nasa 1mb+ lang pero may time din na aabot ng 2mb+ ang size ng isang block at ang total ng transactions na maaring maisali sa isang block ay nasa 4k+ max. Dahil nga sa taas nung demand ngayon is tumaas ang fee kaya madaming nag-uunahan para ma-confirm sa pamamagitan ng pagbayad ng mas mataas na fee at dahil nga gusto mauna sa iba ay nagbayad pa ng mas mataas na fee kaya tumaas ang fee. Ang mataas na fee kasi ang mas mataas yung chance ma confirm agad at alam ko na alam mo ito.
Sa ngayon mataas pa rin talaga ang fees. Kaya kung hindi naman kailangan mag transact wag na lang muna kasi sayang din yung fees na pambayad. So hold na lang kung kaya maghintay, lalo pa bumaba rin ang price ng Bitcoin, timing ito para wag galawin ang ipon dahil pag tumaas naman eh kikita tayo.
Ang problema lang eh kung kailangan mo na ng funds. Mas maganda talaga na bukod sa crypto na ipon ay meron tayong extra na hawak para incase na kailanganin ng pera ay merong madudukot.