-Nag try ako sana mag Withdraw now but I was shocked sa taas ng Fee, considering na I am only trying to send worth 200 dollars but the fee is almost 36 dollars?

Medyo naalarma lang ako sa sobrang taas , have tried in different wallets and halos same ang network fees?
- Ano bang meron now? sorry noob question dahil medyo now ko lang na experience tong ganito kataas or natapat lang na now lang ako nakatiyempo ng ganitong sobrang laki .
Thanks in Advance .
Na try ko na rin yan kabayan pero pag kakaalam ko pag ganyan marami ka nakasabayan sa withdraw. Iba natatraffic kaya pending at lumalaki gas fee.
Try mo mag withdraw sa ibang araw pag ganun para iwas pending at iwas din sa malaking fee.
Iyong time na pagsend ng transaction ni @OP ay ang panahon kung saan naging crazy ang Bitcoin Ordinal inscription then sinabayan pa ng BRC20 craze, may mga haka-haka ring intentionally na pinataas talaga ang transaction fee para ipakita ang weakness ng Bitcoin network. Pero sa ngayon ok na iyong network at halos balin na rin sa normal ang transaction fee. Less than a dollar na rin ang presyo ng may highest priority.
Mga ilang araw din tayong na stress dahil sa taas ng transaction fee, pasalamat na lang tayo at hindi tumagal ng husto ang insidente at ngayon ay maeenjoy na ulit natin ang pagtransact ng BTC ng may mababang tx fee. Maari nating makita ang kailangang tx fee dito:
https://mempool.space/tama kabayan , natapat lang din talaga yong pangangailangan ko kaya wala ako naging option kundi pumatol days after ng post ko in which gumastos ako ng 24 dollars para lang sa 200 dollars na withdrawals,
makati sa bulsa pero wala naman ako choice since i need to take action.
Pero kung badly need mo naman wala ka magagawa boss kundi gumastos sa gas fee.
Hindi yata natin need ng magbayad sa gas fee kapag nagtatransact tayo ng Bitcoin? Ang alam ko transaction fee meron ang Bitcoin pero walang gas fee.

Mukhang nawala lang sa isip nya na gamitin ang term na transaction fee instead nagamit nya ang Gas fee and i believe na bounty hunter din si lodi kaya mas sanay sya sa ganong terminology in withdrawing
