Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Isa kaba sa my mga bitcoin or any crypto noon?
by
karmamiu
on 17/05/2023, 00:04:10 UTC
w, grabe ang sakit. Parang sa akin din kasi ang ATH kasi ng Doge ay $0.74. Kung kokompute-in natin yan, grabe hayahay na sana mga buhay natin. Kaso nga lang, nakakainis kasi yung sa akin nadale ng dice at ubos. Hays, kung maibabalik lang talaga ang panahon sana ihold ko nalang yung mga doge ko na yun at hindi ko din naman inaasahan na grabeng ATH ang mangyayari. Tingin ko hindi na natin makikita yang ATH, kahit hindi man sa ATH nakabenta kahit naabutan man lang yung $0.1 solve na solve na sana.

nadale kadin pala ng dice na yan anoh? saklap lang talaga kapag makita mga history.. kahit hanggang sa ngaun sa cloudbet history ko (sportsbetting) tumataya ako 1-3BTC per basketball game. mga nasa 20k+ palang BTC non.  pero nag start ako sa btc nong 6k per BTC palang wala pa yong coins.ph localbitcoin days palang..  dito sa crypto patience lang talaga pinaka importante dito. pag my patience ka dito na maghold mga 2-3years puedeng magbago buhay mo in the future.



ito doge withdrawal ko sa cryptsy.com noon papunta sa wallet ko..
nasa 7M+ na doge in total...
Oo, kasagsagan ng kaadikan sa dice at parang wala naman kasing value ang dogecoin nun. Kaya kahit matalo tapos autobet/autoroll/autodice okay lang. Ang dami mo na palang naipon at isa ka sa mga nauna sa bansa natin. Hindi naman din natin inaasahan na ganito kalaki at kalayo mararating ng market na ito kaya kung may konting naipon pa, alam na ang galawan. Tama ka na patience lang talaga ang kailangan, bukod sa capital na pera at investment natin, isa rin yan sa puhunan na kailangan ng bawat isa. Mukhang karamihan sa atin na marami raming doge na hinold dati, nadale lang din ng sugal.
Naalala ko pa dati napakarami kong doge, sumobra pa nga ng milyon yun dati naubos ko lang kakabet din hahaha. Sa totoo lang nanghihinayang ako sa tuwing naiisip ko yung mga nasayang kong tokens dati, dahil na nga wala naman din value kaya halos tinatapon ko nalang yun. Naalala ko pa dati na yung misyon ko sa poloniex na exchange ay nabili lahat ng coins available sa kanila kasi kaunti lang ang available sa exchange nila at sa panahon ding yun napakauso yung mga signal-signal pati pump and dump. Tama ka rin sa sinabi mo na walang nag expect na aabot sa ganito ang market natin ngayon, kahit ako man. Nag boom lang din kasi itong market nung late 2017, tapos mga bounty hunters dito sa forum nag aagawan sa mga bounty campaigns.