Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Isa kaba sa my mga bitcoin or any crypto noon?
by
lienfaye
on 17/05/2023, 00:31:47 UTC
Ako may bitcoin din noon at ibat ibang klase ng altcoins pero kada may altcoins ako at nasa market na benta na agad. Mga natira lang sa wallet ko yong mga nasalihan kung scam project after campaign iniwan na ng owner ang mga ito.
Sa bitcoin naman pinalit ko sa peso nung year 2016-2017 kasi biglang taas ang bitcoin dati.
Pero ngayon wala na start ulit para kumita.
Okay lang kung start ulit sa simula at wala ka ng hinohold ngayon. Karamihan naman sa atin ngayon ganyan ang sitwasyon at nanghihinayang sa nangyari.
Pero, kahit naman parang namiss na natin ang mas magandang opportunity. Basta nakabenta ka sa mataas na price at nagamit mo ang pera ng maayos, panalo na yun para sa atin.
Totoo yan. Marami satin ang nanghinayang na nagbenta agad dahil may mas itataas pa pala pero kung naibenta mo naman sa maayos na presyo at kumita ka, panalo na yun gaya nga ng sinabi mo. Sa part ko, meron ding pagsisisi pero dahil kumita at nakapundar kahit konti eh malaking bagay na yun, kaya wala ng point para balikan pa ang nakaraan kasi nangyari na.

Ang importante ngayon ay ang kasalukuyan. Kasi alam na natin ang posibleng mangyari kaya mas wise na tayo sa desisyon na dapat gawin. Hindi pa huli para magsimula ulit dahil maraming coins ang pwedeng bilhin na hindi pa ganoon kamahal. Kahit paunti-unti ang pagbili basta sa coins na alam mong may potential at hindi magiging shitcoins kahit i hold mo ng matagal.