Ako kung maari inuuna ko sabihin yung mga risk na pag invest sa Crytocurrency, Bitcoin lang muna inietsa pwera ko yung mga Cryptocurrency sila na bahala maka discover nung ibang altcoin along the way.
So far yung mga nahikayat ko mag invest sa Bitcoin naging ok naman sila kasi mas nauna yung basic at pinaka importante
Kayo ganun din ba kayo mag invite una muna ang Bitcoin at mga risk nito bago yung mga benefits.
Tama ka kabayan, kung mag-invest ka rito sa cryptocurrency ay bitcoin nalang muna tayo at huwag na siguro tayong magpapadala pa sa mga shitcoins lalo na yong mga bagong labas. Kahit nga sa bitcoin ay napaka-delikado pa rin na ilagay natin yong pera natin dyan pero at least may kaalaman tayo kung paano ang kalakaran dyan, i mean kung paano tayo kikita.
Palagay ko huwag na tayong manghikayat ng ibang kababayan na sumugal sa cryptocurrency baka sa huli ay tayo pa ang masisi nila pag nawala yong pera nila.
Katulad nalang nung bagong trend ngayon na Pepe coin, bagong list yan sa Binance. Siguro madami rin dito ang nakakaalam kung ano yan. Isa po yang meme coin, sa madaling salita binubuhay lang dahil sa hype. Mag-ingat tayo na mag invest dyan kahit alam natin trending ngayon kasi baka madali na naman tayo katulad ng mga investors ng DOGE at SHIB na nakabili na sa peak kasi sobrang trending na ng coin na akala nila mas aakyat pa pero kabaliktaran pala. Yung PEPE parang ganyan din, mga malalaking investor ang nasa likod nito kasi ang taas ng marketcap nila so medyo less volatile ito compared sa ibang meme coin kaya mag-ingat tayo pero kung sakaling may mag invest nito iwasan na ibuhos lahat ng capital, better to invest Bitcoin pa rin for the safety in the long run.
Meme coin ito at usually wala talaga silang utility kundi community hype lang. Sa case ng PEPE na nabuhay dahil sa hype is I'm pretty sure na maraming kumita ng unexpected at marami ding nalugi dahil gusto makasabay sa trend. Ambilis din ng price movement ng memecoins at personally ayaw ko mag invest sa ganun. Mas Ok na si bitcoin for me kasi less risky siya at all goods siya for newbies na gusto mag try magkaroon ng cryptocurrency. Dahil kasi sa hype na yan is may mga newbies na naattract sa memecoins dahil sa massive community shilling. Naging sikat nga to sa tiktok pag kakaalam ko dahil sa mga testimonies na andaming kumita sa pag taas ng pepe, Sigurado ako sunog yung mga newbies na nag invest dun.