Post
Topic
Board Pamilihan
Re: NBA discussion, betting and etc.
by
bisdak40
on 22/05/2023, 10:42:21 UTC
Naku naman, kinakapos talaga lagi ang Los Angeles Lakers sa round na ito. Bad news na ito sa kanila dahil malamang sa malamang ay di na sila makakaahon, di naman sa nag u-underestimate ako sa kapabilidad nila pero sa totoo lang, okay sana kung prime Lebron pa ang naglalaro ngayon taon dahil may chance pa talaga sila sa 0-3 deficit, eh ang kaso di na eh. Pero tingnan natin, Lakers parin ako sa Game 4 HAHAHAHA.

Agree kabayan, mukhang bakasyon na Lakers nito dahil wala pa namang team sa NBA ang nakakaahon sa 0-3 deficit at matanda na si Lebron ngayon, si AD lang yong inaasahan nila sa ilalim eh at nakahanap siya ng katapat ngayon kay Jokic na magaling gumawa ng tira kahit gaano pa kagaling ang bantay.


Mamaya Celtics vs Heat na naman mga kabayan at ito ang prediction ko, sana makabawi ako sa game nato hehe.
Boston Celtics vs Miami Heat -3.5 @ 3.1

Aba, congrats kabayan, nakadale din ako dyan sa ML pero malaki-laki yong panalo mo ahh, sana patuloy pa rin ang panalo natin sa Heat hehe.


Unstoppable talaga si Jamal Murray. Kung nung Game 2, late rally ginawa niya, this Game 3, pumutok na sya agad sa early quarters.

Actually wala namang problema sa defense ng Lakers sa kanya. Sadyang pumapasok lang talaga mga tirada ni Murray sa kahit sang area, may depensa man o wala. As usual, starting five ni Coach Ham, si Vanderbilt ang tinoka niya kay Murray dahil effective yan nung game 2 at 4th quarter lang pumutok si Murray. Pero this Game 3 di na naulit at kinain sya ni Murray. Kahit si Schroder at si Lebron na mismo ang bumantay kay Murray, pumapasok talaga mga tira niya.

Maganda sana magbet sa Lakers moneyline sa Game 4 at inaasahan ko silang underdog pero itong mga bookies nilist ang Lakers as Favorite @ 1.63.

Panahon na siguro to ng Nuggets na makapasok sa Finals at posibling mag-champion dahil healthy si Murray na palagi nalang injured pagdating sa post-season kaya naniniwala na kung sakaling sila yong champion, Murray ang hirangin na finals MVP.

Bukas, nagdadalawang isip pa ako kung pupusta ba sa Lakers dahil baka i-sweep sila pero palagay ko naman ay mag-off night tong si Murray bukas para naman sa homecourt na ng Nuggets nila tutuluyan tong Lakers.