Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Online Casino promoter hahabulin na ng CICC
by
lienfaye
on 23/05/2023, 01:51:40 UTC
<snip>
Magandand balita talaga ito kung seseryosohin ito ng CICC tungkol sa sinabi nilang ito para matigil narin ang kayabangan at panlilinlang ng mga influencers na walang pakundangan pinopromote ang pagsusugal kahit na may mga menor de edad ang makapanuod.
Dapat habulin nila yung mga influencers na kung mag promote ng gambling app/website eh walang pakundangan.
Para sa akin, ayos lang naman na mag promote ng mga casino, ang kesyo lang, dapat laging mayroong paalala yan, gaya ng for 18+ lang at "Gamble Responsibly" ,"Be Gamble Aware" ,at kung ano ano pang mga paalala. Ang naging case kasi ay basta lang magkaroon sila ng successful referrals eh. Yung iba sinasabi pa na Play to Earn haha.
Yan dapat mga yan yung unahin nila.
Ang importante lang naman kasi sa mga influencers eh yung mga pansarili nila, basta sila kikita. Halos lahat ng pina follow kong influencers may pinopromote na sugal at yun nga wala man lang paalala. Syempre yung mga followers na nauuto iisipin na madali maglaro at mabilis pa kumita kasi yan yung kalimitang pinopromote eh. Madali manalo at i withdraw, pero in reality game of luck ang sugal at may tendency pa na ma adik ka kung hindi mo kayang kontrolin ang sarili mo.

Para sakin ayos lang naman yung pag promote ng mga influencers as long as sasabihin nila yung risk hindi yung puro good sides lang. Kasi kung good influencer ka dapat concern ka rin sa mga followers mo.