may nahikayat din akong sumablay pero yon ay dahil kinain sila ngpagiging gahaman , meaning hindi nakuntento sa maliit na income bagkus naghangad ng sobrang laking balik na sa dulo eh naipit na sila sa pagbagsak.
Ganyan naman karamihan sa mga baguhan na nakausap natin. AKala nila instant at easy money lang yung kinikita natin pero sa totoo lang, ang hirap kumita lalo na kapag wala ka pang experience. Kung nakikinig ka man sa mga experienced, mas maganda yung ganun pero kung hindi naman, nasa sa kanila na yun dahil sila naman pumipili ng landas na tatahakin nila pagkatapos nilang marinig yung mga payo na binigay natin sa kanila.
di naman natin sila masisisi dahil mali din ang feeds na dumarating sa kanila, katulad nga ng paliwanag sa taas , karamihan kasi sa mga kababayan natin at maging yong ibang lahi na nagpapakalat ng salita regarding crypto(not only bitcoin literally) in which ang gusto nila ipakita at paniwalaan ay mabilisang kitaan ang crypto market , bagay na sobrang kasinungalingan pag hindi mo naman tunay na naiintindihan ang loob nito at kung ano ang totoong pwedeng mangyari sayo sa ganitong kalakaran.
isang bagay na din to bakit mas kailangan natin ngayong ipaunawa kahit manlang sa mga taong malalapit sa atin at sa kung anong paraan ang magagawa natin maunawaan lang ng mga tao lalo na kapwa natin pinoy na napakalaki ng risk dito kapalit din naman ng napakalaking kitaan.
Kaya sana mas maging makatotohanan pa tayo sa pagkakalat , lalo na sa mga bagong project na masakit man tangapin ay karamihan ay scams or pump and dump projects.