Doon na yun rin papunta, alam naman na ng lahat na walang kalaban laban. Kahit na gusto ko din manalo sila Lebron, malakas masiyado Nuggets para sa kanila. May nakita nga ako sa FB nagpost na 4 million pesos binet sa series winner at binetan niya yung Lakers.
Mayaman siguro o di kaya YOLO lang. Afford naman siguro ng tao na yun matalo ng ganong halaga at mayaman siya. Sa mamayang laban, tatapusin na din yan ng Heat. Masiyado ng mababa morale ng Celtics dahil sa 0-3 nila.
Aba, hindi pa natapos ang series ng Heat at Celtics mga kabayan, nanalo yong Boston kung saan sila yong dehado sa mga sportsbook, saklap naman oh pero magandang balita to sa Celtic's fans kasi kahit papaano ay nabubuhayan sila ng loob tsaka yong next game ay nasa homecourt nila which means na malaki ang chance na maging 2-3 at kung nagkataon ay mapupunta sa kanila yong momentum.
Itong Celtics yong may chance na gagawa ng kasaysayan na bumalik at nanalo sa isang series galing sa 0-3 deficit sapagkat may kakayanan naman sila at wala pang injured sa kanilang mga star players kaya interesting tong series na to pag umabot ng game6 dahil pressured na yong Heat na manalo.
Mukhang madami nanamang pumaldo sa laban na yan. Kala ko tatapusin na ng Heat, hindi pa pala. Ang masaklap diyan baka umabot pa sa game 7 katulad ng sinasabi ng iba. Pero, mukhang malabo na din aabot sa game 7 yan. Tignan natin, sabi nga nila bilog ang bola pero mas maliit lang naman ang chance ng Celtics na masweep ang Heat hanggang game 7 pero posible kahit na katiting lang na chance yun.