Ang iniisip ko lang dito ay baka tulad ng iba na stablecoin na biglang nawalan ng value, although ang sabi naman nila ay hindi ito mangyayare.
Kayo mga kabtt anu ang inyong pananaw tungkol dito?
Hindi mawawalan ng value ang stablecoin kung properly audit yung reserves at may license yung company na magooffer nito. Kaya lang naman madaming stable coin na nawawalan ng value ay dahil yung mga company na nagrerele ng stablecoins ay nagkakaproblema sa reserve kagaya ng USDC pero bumalik din naman sa 1 usd dahil naayos na yung reserve nila.
Ang nakakatakot lang sa mga stablecoin na gawa ng mediocre company ay maari nilang pekein yung reserve nila kagaya ng USDT na walang proper audit. Maganda ito kung magiging partner sila ng mga online wallet natin kagaya ng gcash para madaling maconvert sa fiat natin dahil nonsense lang din kung need pa iconvert sa exchange since may mga stablecoin nanaman na established na pwedeng icashout papuntang gcash.