Post
Topic
Board Pamilihan
Re: NBA discussion, betting and etc.
by
mirakal
on 31/05/2023, 14:23:53 UTC
Sa ngayon parehong may questionable players ang dalawang kupunan. Si Malcolm Brogdon sa Celtics at si Gabe Vincent naman sa Miami Heat. Pasabay na rin ako dyan kabayan.

Miami Heat +2.5 @ 2.05 vs Boston Celtics

Congrats sa ating dalawa kabayan, kahit natalo pa yong Heat sa laro kahapon sinwerte naman tayo at na-cover pa rin yong spread. Akala ko tapos na yong series, lintik na tip-in yon ni Derick White.
Congrats din sa iyo kabayan, akalain mo yun, sa Miami Heat tayo pumusta pero yung swerte sa Celtics ay damay parin tayo haha Grin Game ulit! Game 7 na, do or die sa parehong kupunan. Naku napaka exciting tong laro na 'to.

Quote
Pero Heat pa rin ako rito with handicap, tandaan natin na tinalo ng Heat yong Celtics sa kanilang homecourt dalawang beses at unpredictable din tong Celtics pagdating sa kanilang homecourt games, not consistent kung baga.

Yan din ang iniisip ko kabayan dahil mas di hamak na confident ang road team ngayon kahit na sa TD Garden gaganapin ang kahuli-hulihang game sa series na ito. So, ito nga ang aking prediction sa larong to.

Miami Heat +6.5 @ 2.12 vs Boston Celtics pero syempre tatapunan ko padin ng moneyline @ 3.60 yan kasi malay natin diba at para nadin walang sisihan hehe.

Congrats uli sa ating mga fans ni Butler kabayan haha. Grabe, laki siguro ng panalo mo kasi tinapunan mo yong ML odds, hindi ko na naisipan pa na lagyan yong ML odds kasi naka-focus lang talaga sa "with HC", muntik pang hindi umabot yong bet ko kanina dahil nagsisimula na ang laro at di pa dumating yong deposit ko buti nalang dumating na ang score ay 3-0 at nakakuha ako ng +8.5@1.85 para sa Heat.

Congratulations din sa iyo kabayan! Napaisip nga ako na buti nalang talaga sinabayan ko ng money line dahil kung hindi, sus kamot ulo talaga kahit hindi makati haha.

Pano ba yan eh, umabot tong manok natin sa Finals ah. Gantong-ganto din talaga ang nangyari kay Michael Jordan noong 1997 na nagka-flu siya at kalaban din nila ang first-timer sa Finals na Utah Jazz at ngayon nga ay Denver Nuggets naman sa panahon ni Butler. Napaka coincidence talaga kabayan, kulang nalang ay magka flu si Butler at manalo din sa Finals hehe.