Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Online Casino promoter hahabulin na ng CICC
by
benalexis12
on 07/06/2023, 13:11:43 UTC
Bago ko lang natuklasan ang site na ito pero masasabi ko in terms of sugal ay marami talagang mga pinoy ang nahuhumaling sa ganitong palaro, lalo na kung makikita natin na napakarami na ngayong mga pinoy ang sumasandal sa serbisyo ng gcash na siya ring isa sa mga nag advertise ng mga pasugalan. Nung dati ang alam ko lang na sugal ay yung talpakan o online sabong pero nung kalaunan napakarami palang sugal na pupuwede mong laruin online.

Ngayon mo lang nalaman yan kabayan, sobrang talamak na kaya ngayon sa social media lalo na sa facebook platform kilala o hindi na mga influencers meron silang ineendorse na mga casino online para lang makapanghikayat ng maglalaro ng sugal. Meron pa nga ang content tungkol sa family kasama ang anak tapos sa huli biglang magpopromote ng sugal, mapapailing kana at mapapamura dun sa influencers parang tang* lang sa totoo lang. Kaya lahat ng influencers na nageendorse ng sugal online hindi ko pinafollow.