Post
Topic
Board Pilipinas
Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
by
bhadz
on 09/06/2023, 20:31:43 UTC
Parang merong kwento sa FB na hindi daw crypto friendly ang Unionbank. Nang madebunk yung nagpost na yun, kaya pala naging hindi friendly sa kanya ay yun pala ay nagtrigger ang AMLA sa mga transactions niya kasi ang lalaking mga halaga.
Kahit saang bank naman siguro ay matri2gger yung AMLA sa gnayang kalaking mga transaction from unknown wallets or bank. Sobrang dami dati na hacking incident sa Unionbank tapos dinadala yung mga hack na pera sa crypto exchange P2P para ma mix at mapunta sa ibang tao yung dirty money. Sobrang laki kasi ng limit ng Unionbank kaya favorite sila ng mga launderer at scammer dahil sa P2P exchange kaya hindi nako magugulat kung magkakaroon ng ganitong kadami na case hindi kagaya ng coins.ph at gcash na mababa lang ang limit kaya hindi msyado naaabuso ng mga launderer.
Yun nga. Yung nabasa ko kasi na nagpost parang sinisiraan ang Unionbank kasi nag viral yung post na yun pero madami din naman nagcomment na goods ang Unionbank. Kung sa AMLA/AMLC lang, mati-trigger talaga yang mga yan kahit pinaka-friendly pa na bank sa buong mundo.

Real talk, Karamihan sa mga may problema na ganyan ay hacker na gusto mag launder ng kanilang pera sa crypto.
O di kaya, mga galing sa ponzi, sa pangs-scam pati ata online paluwagan ay negative sa mga bank.