Post
Topic
Board Pilipinas
Re: T-Shirt Business For Bitcoin Adoption Profitable Ba
by
Asuspawer09
on 14/06/2023, 15:16:57 UTC
Humihingi sakin ng advice ang friend ko na gusto magtayo ng T-shirt making at printing kung profitable ba ang Bitcoin T-shirt.
Nag check ako sa Shopee marami dito pero sobrang mahal at karamihan ay gawang labas tulad ng China at Thailand.

Ang target market nya ay Divisoria, Baclaran at Taytay nag check ako at wala pa yung ganito sa mga pangunahing palengke natin at plano nya rin sa Shopee at Lazada pero mas mumurahan daw nya kasi kaya naman sa costing.

Puputok kaya ito kasi ang market naman nya ay mga pang karaniwang tao gagawa rin sya ng website at itatak ito sa likod ng T-shirt, nasa planning stage pa lang naman kung iinclude nya ang Bitcoin design series.


Di rin mamoblema sa design kasi free trademark naman ang Bitcoin walang maghahabol.

Ano sa palagay nyo?

Okey naman ito bebenta naman pero hindi magiging sustainable at lalaki ang business mo kung puro Bitcoin lang ang mga design mo, I mean mahirap mag Tshirt business lalo na kung Bitcoin lang ang design mo kakaunte pa lang ang mga mayroong knowledge sa Bitcoin sa Pilipinas, kaya sigurado ay hindi masyadong magiging mabenta ito, pero siguro if makakagawa ka ng magagandang designs and affordable na presyo pweding maraming bumili and marami nang paraan ngayon sa social media like Tiktok ay makakapagpromote ka ng libre. So depende rin talaga sa kung paano mo maeexecute pero may mga concern lang dati sa pagsusuot ng Bitcoin sa mga Tshirt since maaaring binibigyan mo ng idea ang mga tao na mayroon kang Bitcoin, naging discussion lang naman ito dati dahil maaaring maging biktima ka ng mga pagnanakaw ng Bitcoin.

Para saken possible ito pero masmaganda talaga at masmataas ang chance mo kung magiging open ka rin sa maraming designs, I mean nagbabago din naman kase ang mga gusto ng tao at hindi ibig sabihin na gusto mo ay gusto na rin ito ng mga tao kaya masmaganda may mga choices ka.