Post
Topic
Board Pilipinas
Re: T-Shirt Business For Bitcoin Adoption Profitable Ba
by
Mr. Magkaisa
on 15/06/2023, 09:59:34 UTC
Humihingi sakin ng advice ang friend ko na gusto magtayo ng T-shirt making at printing kung profitable ba ang Bitcoin T-shirt.
Nag check ako sa Shopee marami dito pero sobrang mahal at karamihan ay gawang labas tulad ng China at Thailand.

Ang target market nya ay Divisoria, Baclaran at Taytay nag check ako at wala pa yung ganito sa mga pangunahing palengke natin at plano nya rin sa Shopee at Lazada pero mas mumurahan daw nya kasi kaya naman sa costing.

Puputok kaya ito kasi ang market naman nya ay mga pang karaniwang tao gagawa rin sya ng website at itatak ito sa likod ng T-shirt, nasa planning stage pa lang naman kung iinclude nya ang Bitcoin design series.


Di rin mamoblema sa design kasi free trademark naman ang Bitcoin walang maghahabol.

Ano sa palagay nyo?

    -   Kung ang magiging design sa T-shirt ay related sa Bitcoin para mapamilyar ang community sa kinalalagyan nya ay sa tingin ko wala namang masama kung gawin nya yun, kaya lang sa ngayon sa aking palagay lang naman ay mukhang hindi ito papansinin pa ng mga tao sa local community na kung saan nakapwesto ang negosyo nya.

Pangalawa, hindi pa siya consumable, ang mga tao pa naman ngayon ay yung priority nila palagi ay ang kailangan sa pang-araw-araw ng kanilang mga buhay. Siguro kung ibang design yan na hindi bitcoin logo or what ay pwede pang maging patok sa mga tao. Siyempre ang magiging market lang naman nya dyan ay yung mga taong kagaya natin na naniniwala sa Bitcoin o crypto. Tapos siyempre dapat mura lang din at hindi kamahalan.