Post
Topic
Board Pilipinas
Re: T-Shirt Business For Bitcoin Adoption Profitable Ba
by
arwin100
on 15/06/2023, 10:01:28 UTC
Humihingi sakin ng advice ang friend ko na gusto magtayo ng T-shirt making at printing kung profitable ba ang Bitcoin T-shirt.
Nag check ako sa Shopee marami dito pero sobrang mahal at karamihan ay gawang labas tulad ng China at Thailand.

Ang target market nya ay Divisoria, Baclaran at Taytay nag check ako at wala pa yung ganito sa mga pangunahing palengke natin at plano nya rin sa Shopee at Lazada pero mas mumurahan daw nya kasi kaya naman sa costing.

Puputok kaya ito kasi ang market naman nya ay mga pang karaniwang tao gagawa rin sya ng website at itatak ito sa likod ng T-shirt, nasa planning stage pa lang naman kung iinclude nya ang Bitcoin design series.


Di rin mamoblema sa design kasi free trademark naman ang Bitcoin walang maghahabol.

Ano sa palagay nyo?

Profitable yan kung maglalabas siya ng panibagong design na hindi pa nailalabas sa merkado. Pero pag ginamit nya yung mga generic designs like yung makikita lang sa google for sure hindi since marami na din ang mga nagbebenta nun. Kaya sa ganitong negosyo mas maganda na maging creative sya para mas makabenta since pagandahan talaga ng designs ang laban sa printing business at kung ikaw ang mauna sa mga designs for sure marami ang kababayan nating crypto enthusiast ang mag avail ng mga t-shirts na yan.