Post
Topic
Board Pilipinas
Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
by
arwin100
on 21/06/2023, 12:20:02 UTC
Mas maganda na ngayon na may Gcash at Maya, ang coins.ph sa ngayon parang napag iiwanan na. Hindi sila masyadong nagdevelop habang kasikatan nila.

Sobrang higpit naman kasi ng coins.ph.  Parang ang tingin nila sa lahat ng client nila ay mga money launderer daming hinihinging requirements tapos annually pa ang reverification.  Sa tindi ng higpit nila sa tingin ko ang daming nagsipag talunan sa iba't ibang company na may same services.

About union bank wala akong naging problema sa pag-open ng account sa kanila at pagdeposit ng mga funds from cryptocurrency trading.  Nung nag-open ako ng account nung sinabi ko na source of income ko ay cryptocurrency freelancing at trading wala naman naging problema.  Aprub agad iyong request ko sa pag-open ng account.

Sa tingin ko tama ka nga dyan sa sinabi mo na madami ng coinsph users ang lumipat na sa gcash at maya apps konti nalang ang mga naiwan sa kanilang apps wallet dahil sa mga restriction na iniimplement nila sa kanilang mga clients.

Matanung lang kita kaibigan, nung nag-open ka ng account sa unionbank, meron bang minimum amount na hiningi sila sayo? kung Oo, nasa magkanong halaga ang binuksan mo sa kanilang banko? Nasa ilang minimum ba ang pinapayagan nila para pagbigyan ka ng open savings sa kanilang banko? salamat sa sagot, hintayin ko ang tugon mo.

Maliban sa restrictions nila sobrang taas narin ng fees kung mag convert ka crypto to php at tsaka mataas nadin fres kung mag withdraw ka using remittance kaya madami talaga ang nadismaya dahil sa ganyang bagay sa coins.ph.

Kaya naisipan kuna talaga mag explore at gamitin na siguro ang serbisyo ng Gcash or di kaya maya which is di ko pa na try at subukan kung maganda ba gamitin ang platform nato in terms of crypto usage and sa iba pang mga bagay.