Mas maganda na ngayon na may Gcash at Maya, ang coins.ph sa ngayon parang napag iiwanan na. Hindi sila masyadong nagdevelop habang kasikatan nila.
Sobrang higpit naman kasi ng coins.ph. Parang ang tingin nila sa lahat ng client nila ay mga money launderer daming hinihinging requirements tapos annually pa ang reverification. Sa tindi ng higpit nila sa tingin ko ang daming nagsipag talunan sa iba't ibang company na may same services.
Walang napuntahan yung kahigipitan ni coins.ph, tumingin tingin ako sa FB page nila. Ibang iba na, kasi dati ang dami laging reactions, engagement at likes pero ngayon parang bawat comment ay complain nalang. Ok lang sana yung kahigpitan nila kung nasa ayos lang at hindi masyadong nakakasakal, pero yun nga ang akala nila. Pati matatagal na users nila hindi na na-impress sa mga pinaggagawa nila.
About union bank wala akong naging problema sa pag-open ng account sa kanila at pagdeposit ng mga funds from cryptocurrency trading. Nung nag-open ako ng account nung sinabi ko na source of income ko ay cryptocurrency freelancing at trading wala naman naging problema. Aprub agad iyong request ko sa pag-open ng account.
Easy lang sa Union Bank kasi open sila sa mga crypto related source of income basta huwag lang isang bagsakan na malaking halaga.