[1] Gcash
[2] Maya
[3] RCBC
[4] Security Bank
[5] UnionBank
[6] Uno Digital Bank
Reference:
https://bitpinas.com/learn-how-to-guides/crypto-friendly-banks-philippines/
Mahalagang malaman din ito ng ating mga kababayan na meron tayong kagaya nito na friendly sa cryptocurrency. Hindi kagaya ng ngyayari sa ibang bansa na kagaya ng US ay parang hinaharas nila ang ganitong klaseng mga banko na bukas sa crypto concept. Na dito sa bansa naman natin sa kasalukuyan ay hindi naman ganun at sana sa mga mga darating pa ay hindi maging restrikto sa mga banko na kagaya nito.
Nangunguna na nga dyan yung gcash at Maya pagdating sa p2p transaction ay malaki ang pakinabang nito sa ating maka-masang pinoy sa totoo lang. Ang hindi ko lang gusto sa Gcash at Maya ay yung sa pagsasagawa ng crypto trading dahil medyo mahal lang yung fees nya. At yung Rcbc, Security bank, ay nakakatuwang pinapayagan narin nila na pwede kang magtransfer via p2p din.
Maraming salamat, sana nakapagbigay ng karagadagang ideya sa lokal natin dito, magandang araw
Napakabili ng panahon natin naalala ko pa dati noong mga nakaraang taon lamang ay parang Coins.ph lang siguro ang nagagamit namen sa cryptocurrency buti na lamang ay madami ang pagwithdraw noon kapag gusto mong magcashout or magwithdraw ng Bitcoin mo ay magagamit mo ang coins.ph at gamit lamang ang Security bank ay makakapagwithdraw ka kaagad sa mga ATM na security bank. Walang masyadong hassle, pero ngayon marami ng mga kailangan na limitation mahigpit din sila sa mga personal informations, madalas kailangan mong iupdate palagi ang mga information mo, siguro yearly na nila to ginagawa.