Isa sa mga natutunan ko ay ang pagdevelop ng ating kakayahan o skills dahil isa ito sa pinakaimportante na dapat nating madevelop, sabi nga nila ay knowledge is power. Sa pagdevelop ng ating kakayahan ay malaki ang maitutulong neto sa ating buhay pinansyal. Sa panahon ngayon ay kung wala kang sapat na skills ay hindi ka mahihire sa isang trabaho. Alam naman naten na nakabase sa experience at skills ang ating mga salary sa ating trabaho. At isa sa pinakasafe na investment na magagawa ng ating mga kababayan kung gusto natin kumita ng mabilis at safe na pera ay maghanap tayo ng trabaho.
Kaya sobrang daming mga courses at mga online seminars ang makikita natin kung mag scroll lang tayo sa Facebook alone. Ang pag improve ng skill ang isa sa pinakamagandang pagkakakitaan ngayon. Dahil dito sa bansa natin na limited lang ang opportunity, sa mga skilled naman mas maraming opportunity na dumadating na kahit nandito ka lang sa Pinas, madami kang maa-applyan at mas malaki ang chance mo na makatanggap ng job offer o di kaya ay mag apply ng WFH jobs kasi nga isa yan sa ima-market mo bilang service.