Post
Topic
Board Pilipinas
Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
by
Fredomago
on 27/06/2023, 12:29:24 UTC

Tama ka dyan kabayan, marahil yung kahigpitan nila ng paulit-ulit na paghingi ng KYC ang naging dahilan kung bakit malaking bilang ng mga dating users ng coinsph ang naging dahilan kung bakit nagsialisan o nagsilipatan na ng mas friendly users sa cryptocurrency o Bitcoin. Since na wala naman tayong magagawa sa kanilang mga patakaran ay wala din naman silang magagawa kung humanap man tayo ng iba na mas maganda ang service communication kesa sa kanila diba?

Sana nga at magkaroon pa ng ibang mga banko na magiging bukas sa Bitcoin at cryptocurrency. Para mas mapabilis ang pagpapalaganap sa mga tao ang tungkol sa kaalaman sa Bitcoin at cryptocurrency.

Kung sa katagang pinoy kabayan, bawi bawi lang yan, eh sadyang resourceful tayong mga pinoy kaya wala din silang magagawa, nung mga panahon kasing nagsisimula palang ang crypto sa pinas medyo llamado talaga sila kaya andami talagang nagsignup at gumamit, naaalala ko ung free 50 pesos kada signup at mag fully verify ng mga ref ko, ang pag enganyo ko eh libreng 50 pesos load hahaha.. Pero nasayang yung effort nila kasi nga humigpit sila bigla at sana yung mga oldies na at fully verified naman na sana hinayaan na nila at dun na lang sila sa mga bagong create na account naghigpit.

Pero wala naman na tayong magagawa dun, opinyon na lang at wala naman na ring bisa sa kanila yun, buti na lang talaga hindi tayo naipit sa isang option lang at ung mga banko na tumangkilik ng crypto eh hindi na ganun kahigpit, liban na lang siguro kung sobrang laki na at medyo kahinahinala na yung galawan ng pera, baka dun magkaron ng konting higpitan.