Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bakit takot ang mga Filipino na pasukin ang crypto?
by
Bitcoinislife09
on 02/07/2023, 17:01:28 UTC
Natural na talaga sa ating mga kababayan ang ganitong mga bagay lalo na sa mga scams. Alam naman natin na sobrang dami ng mga scams ngayon kahit sa mga balita at news ay maraming mga cases kung saan maraming mga kababayan naten ang nawawalan ng pera dahil sila ay nascams hindi lang sa cryptocurrency kundi sa marami pang mga bagay bagay. Marami din ang mga masamang balita na kung saan kasama ang cryptocurrency at Bitcoin kung saan nabiktima sila ng scam kaya sa isip ng ating mga kababayan ay ang Bitcoin o cryptocurrency ay isang scam. Kulang din sa kaalaman ang ating mga kababayan alam naman naten sa pagdating sa investment sa cryptocurrency dapat ay ikaw mismo ang magdedesisyon lalo na pagdating sa iyong mga trade kaya dapat ikaw mismo ang matuto sa kung paano ito gawin. Marami sa ating mga kababayan ang nagpapatrade lang sa iba dahil ayaw nilang aralin kung paano ito gumagana kaya sa huli ay nagsisisi sila dahil na luluge ang kanilang investment dito.