Not really recommended especially sa coins.ph na mahigpit tungkol jan pero one time nag mix ako ng coins at coins.ph yung wallet kong nagamit accidentally dahil sa sobrang kalutangan ko that time. So yeah wala naman nangyari sa funds ko or sa account ko pero hindi ko siya advisable gawin. From gambling din yung pera ko that time at alam ko na strikto ang coins.ph if galing sa casino ang pera. About naman sa gcash is wala akong idea kasi di pako nakakagamit niyan.
Mahigpit ang coins.ph sa mga account na mataas ang volume ng transaction sa wallet nila dahil iyon madalas ang basehan nila ng mga potential mixer or launderer. Hindi talaga advisable sa coins.ph na magpasok ng pera galing sa mga questionable source kagaya ng gambling at mixer dahil nasa ToS nila kung hindi ako nagkakamali at maari nilang irefund ang transaction mo kung sakaling naka flagged sa kanila yung source of Bitcoin mo. Sobrang sensitive gamitin ng coins.ph kaya Binance P2P ang the best kung magpapasa din lang naman ng KYC sa both service.
Totoo yan, may nabasa ako na hindi ibinalik ang Bitcoin dahil nagmula ito casino gamit ang coinsph. Kaya nag-iingat talaga ako sa pagtransfer ng mga Bitcoin baka mahold ng Coinsph. Kahit na wala ka namang ginagawa pero tainted yung address na ginamit, may posibilidad na ihold nila account mo. So far wala namang nangyari sakin na hinold ng Coinsph ang account ko. Kaya suggestion lang na iwasan nalang ang Coinsph kung pwede naman sa Binance especially kung nagdududa ka sa kanila.