2 years ago, sinubukan kong gumamit ng mixer papuntang coins.ph para lang itry kung gagana. After a week e na disable ang aking account at nagtanong sila ng additional verification sakin kagaya ng mga source of funds, billing statements, at iba pang mga personal na pagkakakilanlan. Hindi na ako nag-aksaya ng oras dahil kailangan ko pa raw magsend ng mga affidavit at kung ano ano pang mga bagay na legal para maconfirm na ako eh hindi gumagawa ng kung anong bagay na ilegal.
Wag mo nang subukan OP. Okay nang alam nila san nanggagaling yung funds mo.
Instead of using mixer, kung manggagaling naman sa exchange iyang fund mo, much better na lang na gawin mong mixer ang exchange by sending from 1 exchange to another exchange bago mo ipasok sa coins.ph. Sa tingin ko di mo naman gagamitin ang mixer to erase your identity kasi ang coins.ph ay may KYC din.
Ganun pa rin ang mangyayari. Kung galing outside exchange, magtitrigger pa rin siya ng additional KYC. Tried it with my brother's account sa coins and yun yung nangyari sa kanya a day after receiving the funds from another exchange. Medyo hindi ko gets bakit kailangan ito mangyari, o kung kailangan ba may certain threshold na mameet sa amount ng marereceive, pero mahigpit na masyado ang coins.ph at hindi na siya ganun ka-friendly. That's why sa binance ko na lang ginagawa lahat ng transactions ko - mas mabilis na, mas safe pa. å