Pinipilit ng Bitcoin na malagpasan ang 31K level maraming beses na at palagi itong nabibigo. Ang kagandahan lang ay hindi bumababa ang price sa 30K level na syang nagsisilbing support sa price. Kasalukuyang nasa sideways position ang price behaviour ng Bitcoin na nagpapahiwatag ng indecision sa market.
On positive side, May mga Bitcoin Spot ETF na for approval at paparating na Halving kaya masasabi ko na may sumusuporta naman sa bullish movement na ito in long term.
Sa tingin nyo Make(Above 40K level) or Break(Below 30K level) ba ang price ni Bitcoin EOY?
Ang presyo ng Bitcoin ngayon ay bumaba hanggang sa 30k. Hindi siya nagpakita ng impulsive move to upside na maconsider na binasag ang resistance, ngunit sa ating nakita ay nagwick lamang ito sa higher time frame. Nagpapakita lamang ito na mas marami parin ang sellers kesa sa buyers. Para sakin, kung hindi mabasag 29.5k na support ay mayroong mataas na chance na gumawa ng panibagong high o basagin ang resistance papuntang 37k.
Yung halving naman ng Bitcoin ay napakalayo pa kaya hindi natin alam kung ano pa ang maaaring mangyari sa presyo ng Bitcoin. Overall, bullish ako kay Bitcoin.