Sa tingin nyo Make(Above 40K level) or Break(Below 30K level) ba ang price ni Bitcoin EOY?
Malaki ang posibilidad na umangat ang Bitcoin above $40k bago matapos ang taon. Isa sa malaking impluwensiya para sa pag-angat ng presyo ay ang paparating halving dahil pagtuntong ng Disyembre posibleng sumipa ang hype ng paparating na halving. Bukod dito ang mga employed na gustong mag-invest sa Bitcoin ay magkakaroon ng karagdagang pondo dahil sa mga bonuses na matatanggap nila bago matapos ang taon. Sa mga ganitong kadahilanan kaya iniisip ko na higit ang posibilidad na umangat ang Bitcoin sa $40k kaysaa bumagsak ang presyo ng mas mababa pa sa $30k