Sa tingin nyo Make(Above 40K level) or Break(Below 30K level) ba ang price ni Bitcoin EOY?
Kahit hindi natin ma break ang $31k resistance, ang kagandahan eh hindi bumababa ang price sa $30k, for weeks na rin. Ito rin siguro ang dahilan kaya maraming naniniwala na patuloy pa ang magiging pagtaas.
Dahil malapit na nga ang halving hindi na nakakapagtaka na marami ang may prediction na next year ay bullrun na. Sa tingin ko naman may posibilidad pa na tumaas ang presyo ng $40k bago matapos ang taon since nasa second quarter pa lang naman tayo. Pero marami pang pwede mangyari na maaaring makaapekto sa price ng Bitcoin. Kaya dapat maging handa tayo mapa negative/positive man ang epekto sa market.