Ang dami nating mga kababayan na nalulugi sa pag invest sa Cryptocurrency karamihan kasi sa halip na Bitocin ang ipromte sa mga baguhan inuuna yung mga altcoins na bagong labas, marami sa mga altcoins ngayun may referrral rewards lalo na yung mga airdrops kaya sa halip na Bitcoin muna huli na nila nalalaman yung value ng Bitcoin na mas higit sa mga altcoins na yan.
Ako kung maari inuuna ko sabihin yung mga risk na pag invest sa Crytocurrency, Bitcoin lang muna inietsa pwera ko yung mga Cryptocurrency sila na bahala maka discover nung ibang altcoin along the way.
So far yung mga nahikayat ko mag invest sa Bitcoin naging ok naman sila kasi mas nauna yung basic at pinaka importante
Kayo ganun din ba kayo mag invite una muna ang Bitcoin at mga risk nito bago yung mga benefits.
Well anyway, ako kasi walang dahilan para hikayatin ko silang maginvest sa Bitcoin, alam mo naman ang karamihang mga pinoy kapag hinikayat mo sila sa mga bagay-bagay lalo na involve ang pera ay pwede kapang pag-isipan ng hindi maganda, tapos may iba pa na palalabasin pa nila na mas may alam pa sila kesa sayo gayong narinig lang nila ang Bitcoin pero yung lalim hindi naman talaga nila alam.
Mas maganda na yung sila na yung makatuklas na maganda ang Bitcoin future nito, dahil karamihang mga pinoy mas kakagatin nila yung puno ng panghahype na ginagawa sa kanila ng mga pinoy na crypto experts daw para mamuhunan sila sa mga crypto na inaalok sa kanila.