Sa totoo lang takot din ako mag educate kasi lagi nilang pinangungunahan na "ay, scam yan crypto o bitcoin", marami kasing pinoy ang takot o wala talagang alam about sa investment. Much better na ishare ko muna sa family ko na di ako ijujudge .
This is true. Hindi naman sa mahirap mag explain sa mga kababayan naten, talaga lang pag dating sa pera mahirap mang hikayat which is understandable naman. Tama nga lang siguro na sa family and close friends muna na mas open minded and mas madali kausap yung unang hihikayatin naten pag ganitong usapan.
Yung mas nakakatakot nga diyan ay tatanungin ka na pano kumita diyan na wala kang gagawin, talagang gusto mo nalang hindi magsalita kasi pinangungunahan ka. Well, kikita ka naman talaga ng walang gagawin kaso pasensya nga lang ang kailangan na mag hold hanggang malaki na yung valuation. I think mas maganda pang turuan mga hindi mo kakilala kasi mas makakaunawa pa yun sayo, minsan kasi pag pamilya o kakilala mo iaasa lang nila yan sayo at baka sisihin ka pa kapag bumaba yung halaga.
Totoo yang binanggit mo na yan, mas paniniwalaan pa talaga tayo ng mga taong hindi natin kakilala. Ang worst pa nga dyan yung ibang malapit pa sa atin yun pa yung pagdududahan pa tayo sa ating ginagawa kahit na nakikitaan kana nila ng ebidensya. Yung bang tatanungin kapa kung ito parin ba pagbibitcoin ang ginagawa natin kahit na alam naman nila na ilang taon kana dito. Kaya nga mas gugustuhin ko nalang tlaga na manahimik kesa magkwento.