Sa design nag cocompile na kami nung isang linggo lang nakabili kami ng 10gb na design, vectors sa halagang 500 pesos lang sa isang Facebook page parang all in package na mga design mula sa mga simpleng design hanggang sa mga complex design marami itong variation pero sigurado magastos ito sa printing equiptment na maaring di namin makaya kaya malamang tie up na lang kami sa mga printing services.
Kung garment ka talaga garment ka pero kung malaki ang budget mo pwede ka mag invest sa printing pero malaking gastusan din kasi yung mga tao madalas yung design ang tinitingnan pangalawa na lang yung quality ng fabric at yung tahi.
Yung mga nakakaintindi lang talaga sa quality ang titingin sa fabric at quality ng tahi.
Pero syempre ang main product pa rin ay Bitcoin design T-shirt.
Curious lang ako, yang mga designs na yan may kaparehas na din na bumili na ibang customer kung 500 pesos lang yan. Wala bang magiging problema kung parehas kayo magkaroon ng design na ibebenta tapos parehas kayong may ad na lalabas sa Facebook.
Wala din bang copyright issues yan at mismong sa may ari ng page yan nanggaling at nag design? Hindi kasi ako designer by profession pero parang intriguing at magandang mag start nga ng ganitong business kung may budget.