Tsaka kahit ako gusto ko rin yung oversize ngayon since uso sya at madami rin akong nakikitang mga tao na sumunod sa uso kaya crypto design+oversize shirts or normal as options maganda na yun at magkakaroon talaga yun ng demands. Dami ko din nakikita sa tiktok shops na magagandang designs kaya mainam na mag research si OP about sa printings at at quality na gusto ng karamihan.
Sa design nag cocompile na kami nung isang linggo lang nakabili kami ng 10gb na design, vectors sa halagang 500 pesos lang sa isang Facebook page parang all in package na mga design mula sa mga simpleng design hanggang sa mga complex design marami itong variation pero sigurado magastos ito sa printing equiptment na maaring di namin makaya kaya malamang tie up na lang kami sa mga printing services.
Kung garment ka talaga garment ka pero kung malaki ang budget mo pwede ka mag invest sa printing pero malaking gastusan din kasi yung mga tao madalas yung design ang tinitingnan pangalawa na lang yung quality ng fabric at yung tahi.
Yung mga nakakaintindi lang talaga sa quality ang titingin sa fabric at quality ng tahi.
Pero syempre ang main product pa rin ay Bitcoin design T-shirt.
I believe na kung gusto mo maging successful ang clothing line mo is dapat mag excel ka sa lahat ng factors like design, garment quality, product consistency at iba pa. Marami namang contractor na gumagawa ng cloting line na the best sa mga gusto mag start up ng clothing business. Even na niche yung product mo is I believe na need padin ng quality at big efforts para balik balikan at irecommend ng mga customer mo yung product mo sa iba. Laking help din especially sa clothing business yung referral or recommendation. Btw about sa 10gb design na nabili niyo, may rights ba yan para maibenta niyo using the design? Curious lang ako sa rights niyo about sa design kasi mura niyo nabili eh.