Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paano Ka Ba Manghikayat o Mag educate Sa Mga Kababayan Natin
by
Adreman23
on 24/07/2023, 23:26:12 UTC
Kapag yan ang tinanong ng pinapagpaliwanagan mo may kutob na iyan na scam ang pinapasok nya.  Automatic naman kasi tatak sa isip ng tao na kapag kikita ka ng walang ginagawa, scam na agad ang datingan.  Pero masali lang naman sagutin iyan at ang sagot ay may gagawin syempre.  Ang paghihintay ay isang activity.  So basically kapag naginvest ang tao at naghintay, may ginawa siya.  At iyon ay maghintay.  Ang Bitcoin investment kasi ay may konsepto na "let your money work for you".  Iyon nga lang maraming hindi nakakaintindi ng ganyang konsepto at ang masakit pa, ito rin ang karaninang sinasabi ng mga sammer.
Ganyan ang pagkakaexplain ko dati sa mga kaibigan ko kaso nga lang parang nakakainis na pinagtawanan lang ako at tinawag pang scammer. Pero hindi directly na sinabing scammer ako kundi yung bitcoin ay isang scam. Wala naman akong ibang pinagsabihan kundi yung mga specific na tao na yun tapos may circle of friends din sila na ganyan ang sinabi na, sabi nila scam ang bitcoin. Kaya parang nainis ako nun syempre ako lang naman nagsabi sa kanila at nag explain ano ang bitcoin tapos makikita ko nalang na ganun pala ang pinag uusapan nila.
ok lang yan kabayan hindi talaga maaalis ang pagdududa ng ilan nating kababayan pagdating sa bitcoin, dahil involve dito ang pera maiisip nila na scam agad. Pero ang mahalaga naman dito ay nashare natin sa kanila ang bitcoin at nasa sa kanila na lang kung maniniwala sila o hindi.