Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paano Ka Ba Manghikayat o Mag educate Sa Mga Kababayan Natin
by
bhadz
on 26/07/2023, 20:51:14 UTC
Nashare na natin at wala na tayong magagawa kung maiiwan sila kapag pumalo ulit pataas. Ilang beses ko na din nasabi to sa ibang kaibigan ko na naniniwala kaso nga lang mahirap ang buhay ngayon at wala silang nakalaan na budget para dito. Kaya nanghihinayang din sila kapag nakikita nilang mababa ang presyo ng BTC kasi wala silang pambili pati kapag tumaas na ang price kasi na miss nila ang opportunity.

Mahirap talaga mag kombinse ng mga tao lalo na pag wala silang alam sa mga bagay nato. Kaya di nalang talaga ako nanghihikayat ng mga tao since ayaw ko din mapasama lalo na talamak ang crypto scams at baka mabansagan pako na scammer at sinusubukan ko silang e scam. Kaya sila na ang bahalang matuto kung interesado sila at kung magtanong man sila ukol sa crypto ay sasagutin ko nalang mga katanungan nila.

Ayaw ko mag first move dahil di natin hawak ang isipan ng mga tao at normal na sa kanila at baka mapaaway pa tayo.
Ok din naman ang ganyan pero kapag meron naman gusto matuto at pinipilit ka. Malalaman mo naman yung mga willing matuto at nasa sayo na din yun kung tuturuan mo sila o di kaya kung iiwan mo nalang at sila na ang bahala. Bigyan mo nalang ng mga resources para magbasa basa.
Ang mahirap lang sa iba, ayaw mag basa kaya mas gusto nila merong magtuturo sa kanila dahil ang rason nila, mas madali daw matuto kapag may nagtuturo.