Nareceive ko din ito pero wala na akong interes na i-update yung password ko diyan. Bahala na sila kung ano man ang gagawin nila after ng hindi magreset dahil mag manual pa rin naman. Mukhang madami pa din naman ata silang user kaso parang kulang sila sa marketing sa coins pro nila.
Mahirap naman kasi tapatan ang Binance na mostly prefer ng karamihan na mga pinoy at kung may iba mang kakumpitensya itong exchange/trading market nila, PDAX ata ang parang close tapos integrated pa sa Gcash.
Kaka-update ko lang kanina yong account ko sa coins.ph, at least may marami tayong options pagdating sa pag-convert ng ating crypto into peso.
Mukhang hindi na sila strikto pag nagpadala ka ng crypto galing sa ibang wallet ngayon dahil hindi ka na hinihingan kung saan galing yong crypto mo di gaya ng dati na kulang nalang ay hindi tanggapin, epekto siguro to sa maraming kompetisyon sa market.
Kaya payo ko kabayan, kahit di mo gamitin yong coins.ph account mo, i-update mo pa rin, magagamit mo rin yan balang araw.
Hindi ko na naabutan yun nanghihingi sila ng proof kung saan galing ang funds mo bawat padala mo. Matagal na akong wala sa kanila pero tama ka diyan, baka someday kapag naisipan ko na i-open ulit account ko sa kanila baka mag comply lang din ako kapag kailangan ng isa pang exchange sa pag convert. Tama ka din diyan na mas maganda na may iba tayong options bukod sa mga ginagamit natin. Kahit hindi ko naman na gamitin yung account ko na yun, kasi puwede pa rin naman i-update once na lumagpas na ako sa deadline na binigay nila. Basta nandiyan lang yan at may account at docs naman na ako sa kanila dati pa. Hindi ko lang talaga na tripan yung ginawa nila sa account ko na binabaan yung limit tapos sobrang daming hininging mga dokumento sa akin.