Post
Topic
Board Pamilihan
Re: NBA discussion, betting and etc.
by
Fredomago
on 04/08/2023, 19:48:43 UTC
Kakatapos ko lang manood ng friendly game ng Gilas vs Iran, panalo tayo by more than 10 points pero ang ipinagtaka ko ay walang Justin Brownlee na ngalaro para sa Gilas baka hindi na nga siya maglalaro dito sa tournament na to dahil sayang lang yong effort dahil si JC naman yong gagamitin ni super coach hehe.

Noong unang panahon ang hirap talunin ng Iran pero ngayon mukhang nawala na yong mga magagaling nila ay hindi man lang nahirapan yong Gilas sa pagtalo sa kanila, Sayang lang at walang pustahan sa mga bookies sa larong yon.
Nagretire na ba si Haddadi? Sobrang hirap lagi ng laro kapag nandoon siya at tipong parang easy game lagi sa Iran kapag nasa roster siya. Ngayon mga bagong sibol na ata yang mga player ng Iran at itong team ata na to' ay parang Team B lang nila.

Nag-retiro na ata siHaddadi palagay ko, more than 40 years na siya ngayon kung hindi ako nagkakamali hehe. Hindi Team B yong kalaban ng Gilas kahapon, tune-up game nila to kaya kung sinong pasok sa final roster ay yong na ang pinagpalaro.

Laking ambag ni Dwight Ramos at Rhenz Abando sa scoring para sa Gilas, taas ng porsento sa 3's kaya palagay ko mataas na playing minutes ang makukuha ng mga batang to sa FIBA World Cup '23.

edit: Iran Team B nga pala kalaban ng Gilas kahapon.

Hindi ko napanuod ung actual na game, pero kung ung execution ng plays ang pagbabasehan medyo magnda sya kasi yug sharing ng bola at ung kumpyansang binigay ni super coach chot medyo maganda ganda lalo na kay Abando na alam naman natin kung paano itrato ng magaling nating coach dati, sana lang pagdating ng actual na liga eh ganun pa rin ang gawin nila, tyagain yung pag ikot ng bola at hanapin yung open.

Team B pala ng Iran pero okay na rin kasi kahit papano yung dinidevelop na chemistry medyo nagagawa naman ng Gilas kaya siguro kahit papano maganda namang learning experienced yan para sa kanila.