Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
blockman
on 08/08/2023, 00:04:58 UTC
Nareceive ko din ito pero wala na akong interes na i-update yung password ko diyan. Bahala na sila kung ano man ang gagawin nila after ng hindi magreset dahil mag manual pa rin naman. Mukhang madami pa din naman ata silang user kaso parang kulang sila sa marketing sa coins pro nila.
Mahirap naman kasi tapatan ang Binance na mostly prefer ng karamihan na mga pinoy at kung may iba mang kakumpitensya itong exchange/trading market nila, PDAX ata ang parang close tapos integrated pa sa Gcash.
parehas tayo ng sentiment dito , kasi halos di ko naman na ginagamit ang coins.ph now since mas convenient and safer na gamitin ang  Gcash and binance ,di katulad nung mga nakaraang taon na halos naka depende lang ang mga Pinoy sa Coins.ph na halos kainin na natin pride natin masunod lang lahat ng alituntunin nila .,andyan na amrami sating nasamantala at nakuhaan ng funds dahil sa mga batas nila.
siguro now mas nag rereach out na sila sa mga pinoy cryptonians dahil nawalan na tayo ng keber sa kanilang wallet for years now.
Ang bilis ng ihip ng hangin pagdating sa akin, dahil sa mga updates dito sa thread naging curious ako ulit at chineck ko yung account ko. Level 3 ulit siya at mas malaki na yung limit kumpara sa old coins.ph. I-check niyo mga accounts niyo, ang taas ng limit na binigay ni coins.ph sa account ko kahit na sobrang inactive na ako sa kanila. Maganda pa rin na maraming options sa mga exchanges at kung saan tayo magiging komportable at smooth ang transactions. Nagtry ako ulit ng trade at sobrang smooth lang at mabilis din withdrawal at hindi naman masakit ang 10 pesos sa instapay pero may option na libre through pesonet within 24 hours.