Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.
Para sa akon ay halos ganun pa dn naman ang life style ko. Ang pinagkakba lang ay tumaas yung number ng mga binabayadan ko pero nagadjust din kasi ang sahod ko kaya halos hindi ko ramdam ang pagtaas ng bilihin kung ibabase ko sa ratio ng sahod ko. Mabuti nlng talaga at consistent ang promotion ko kaya nakakasabay ako sa inflation tapos hindi din naman ako pala gastos kaya halos walang pinagkaiba para sa akin.
Sa presyo ng gas lang talaga ako sobrang nagulat hanggang ngayon dahil halos doble ang itinaas simula ng magka gyera sa Russia.