Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.
Naku kabayan, tumaas na ang lahat buti nalang at hindi tumaas ang mga sahod natin hehe, joke.
Grabe, kung sa isang pamilya at isa lang ang nagtratrabaho ay patay, hindi tayo mabuhay ng maayos dyan lalo na kung may anak ka na pinapaaral kahit sa public school lang dahil gagastos ka pa rin naman sa baon at pamasahe.
Tulad ng sabi, yong pagkain natin sa mga fastfoods outlet katulad ng Jollibee ay parang "luxury" na dahil kung apat kayong kumakain, yong 1k php mo ay mukhang kukulangin pa yan.