Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Inflation sa Pilipinas - Kamusta ang mga kabayan natin dito sa forum
by
Asuspawer09
on 10/08/2023, 16:16:00 UTC
Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.

Sa sitwasyon ko naman, sobrang ramdam ko ang pagtaas ng bilihin. Yung mga bagay na nagagawa ko dati tuwing sahod ko ay naging "luxury" na ngayon. Sobrang dalang ko na kumain sa mga fastfood dahil 150-200 pesos na ang mga meals na binibili ko dati. May mga ulam din na minsan ko na lang lutuin dahil sa mahal ng mga ingredients nito tulad ng sinigang na may maraming gulay. Halos katumbas na ng presyo ng gulay ang karne satin ngayon. Kahit ang mga ordinaryong pagkain tulad ng itlog, delata, at instant noodles ay nagmahal na din.

Sobrang mahal na talaga ng mga bilihin ngayon, kahit ako ay medjo nanghihinayang na rin ako kumain sa mga fastfood like Jolibee, mcdo, chowking dahil feeling ko rin talaga ay hindi worth it and pagbili dito, lalo na kung bibili ka pa nung mga bucket meal nila ay makakagastos ka na rin ng up to 1000pesos which is sobrang laki dahil isang kainan lang naman ang gagawin mo so medjo nakakapanghinayang siya, at isa pa parang masmasarap din naman yung mga lutong bahay  Grin kaysa sa fastfood ewan ko masgusto ko na ngayon kumain sa mga bulalohan or mga karenderya na kanin ulam ang benta.

Noong nakaraan lang may naggrocery ako parang dati lang ay aabot lang ng 1k pesos ang gastos ko sa grocery ngayon umaabot na ko ng up to 5k pesos di ko alam kung bakit ganun pero parang wala ka ng mabibili sa 1000 pesos mo ngayon lalo na sa grocery.

Malaking problema talaga ito hindi lang naman ng bansa naten kahit sa ibang malalaking bansa ay problema din naman ito, walang ginagawa ang gobyerno maaaring inevetable talaga ito dahil mayroon tayong gobyerno ay syempre magpiprint lang sila ng pera kaya malaking tulong talaga ang cryptocurrency saatin dahil magagamit naten ito bilang investment upang maiwasan din ang inflation.