Hindi na kailangan ipagyabang pa ang ating kayamanan , sapat na yung maganda na ang buhay natin na may matiwasay na pamumuhay. Ang problema lang sa ating mga pinoy ay may pagkahambog imbes na maging humble ay ginagawa pang ikalat sa social medias ang lahat ng kanilang ari-arian na dahilan ng kanilang kapahamakan. Okay lang mag share ng mga paraan para kumita ng pera , huwag lang yung milyones na hawak.
Sinabi mo pa, pero choice nila yan kung gusto nila iflex ang kayamanan nila sa social media. Tayo naman, alam naman natin ang pagiging lowkey lalo kung matagal ka na sa market at may mga holdings kang inaantay na tumaas balang araw.
Isa na rin itong papaalala na dapat simple lang tayo sa buhay pwera lang kung gwardyado ka. Na kahit ipagyabang pa yan sa buong mundo ay ayos lang dahil may seguridad naman yung buhay.
Worried lang ako sa mga mahilig mag flex tapos lahat ng lakad nila parang pinupubliko nila. Yung tipong paalis palang tapos ipopost nila kung saan sila pupunta. Paano nalang kung may masamang loob na nagbabalak pala sa kanila?