Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.
Sa sitwasyon ko naman, sobrang ramdam ko ang pagtaas ng bilihin. Yung mga bagay na nagagawa ko dati tuwing sahod ko ay naging "luxury" na ngayon. Sobrang dalang ko na kumain sa mga fastfood dahil 150-200 pesos na ang mga meals na binibili ko dati. May mga ulam din na minsan ko na lang lutuin dahil sa mahal ng mga ingredients nito tulad ng sinigang na may maraming gulay. Halos katumbas na ng presyo ng gulay ang karne satin ngayon. Kahit ang mga ordinaryong pagkain tulad ng itlog, delata, at instant noodles ay nagmahal na din.
Masyadong mabigat sa bulsa ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Ang dating budget namin na kayang tumagal ng dalawang linggo ay hindi na kinakayang tumagal ng isang linggo. Dinagdagan pa ng pagtaas ng singil sa kuryente at tubig. Kung alanganin talaga ang kinikita ng isang tao talagang mapipilitang bawasan ang pagkain sa isang araw mula sa 3 meals to 2 meals na lang. Mapalad ang mga taon may katuwang sa paghahanap buhay, pero kung solo earner ka lang at sagot mo lahat ng gastusin ng pamilya, mapipilitan kang maghanap ng extra income para matugunan ang pangagailangan ng bawat myembro ng pamilya.