Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.
Sa sitwasyon ko naman, sobrang ramdam ko ang pagtaas ng bilihin. Yung mga bagay na nagagawa ko dati tuwing sahod ko ay naging "luxury" na ngayon. Sobrang dalang ko na kumain sa mga fastfood dahil 150-200 pesos na ang mga meals na binibili ko dati. May mga ulam din na minsan ko na lang lutuin dahil sa mahal ng mga ingredients nito tulad ng sinigang na may maraming gulay. Halos katumbas na ng presyo ng gulay ang karne satin ngayon. Kahit ang mga ordinaryong pagkain tulad ng itlog, delata, at instant noodles ay nagmahal na din.
Lala nga nung Jollibee ngayon kasi dati pag tinatamad ako magluto umoorder nalang ako para sa sarili ko kasi ako lang naman kakain pero after tumaas grabe inflation umaabot na 200 isang meal eh kung ganon lang yung presyo edi bibili nalang ako pang ulam yung aabot kahit kinabukasan. Tapos yung mga presyo din ng mga pamasahe pataas ng pataas balita ko nga nag rerequest mga driver na gawing P15 yung minimum sa pamasahe eh kawawa talaga mga pinoy tapos isipin mo yung sahod mo bare minimum pa rin kahit yung mga bilihin tumataas. Sa mga gantogn sitwasyon kung may extra money ka man mas magandang invest mo na to para makasagip ka sa inflation kasi mas maganda daloy dito sa Bitcoin.